Ang aking galak, walang katulad! Sa akin ay may nag-iingat! Ako'y panatag walang bagabag Sa Kanyang bisig na malakas!
REFRAIN
Ako'y ligtas, Ligtas kay Jesus, Hindi ako matitinag! Oo, panatag, Oo panatag, At panatag Sa Kanyang bisig na malakas.
At sa paglakad sa aking landas Mayron akong taga-pag-ingat, Ako sa hirap ay ililigtas Ng Kanyang bisig na malakas!
Dumagsa man ang lahat ng hirap Hindi rin ako masisindak, Sa aking palad ang humahawak Ay Kanyang bisig na malakas!